Monday, December 9, 2013

"LOVERS or FRIENDSHIP


.....Sa'king pag-iisa, doon mo ako dagling dinamayan. Hindi man natin lubos na kilala ang isa't isa, batid kong agaran mong nahuli ang loob ko. Walang pag-aalinlangan akong sumama sa'yo at sa apat na sulok ng silid na iyon, una tayong nagpalitan ng mga kuro-kuro't pananaw natin sa buhay. Doon ko unang nasilayan ang matamis mong ngiti, ang malulutong mong halakhak at mga banat mong jokes na bagama't noong una ay naweirduhan ako, di-maikakailang nagpatawa sa'kin ng pagkalakas-lakas... 
Iyon ang simula ng malaking pagbabago sa buhay ko. Sa paraan ng pagngiti ko, sa sayang hatid mo sa buhay ko at sa umpisa ng muling pagtibok ng Puso ko na akala ko'y di na muli pang titibok. Tuwing gigising ako sa umaga, ikaw ang unang titimo sa utak ko, ikaw ang unang imahe na maglalaro sa isip ko. At ikaw ang una kong pinanabikang muli kong masilayan... 
Bagaman natakot akong muling sumuong sa panibagong relasyon, pinamalas mo sa'kin na dapat kong muling subuking magmahal. Oo. Minahal na kita noong una pa man nating pagkikita. Minahal ko ang matamis mong ngiti, ang maamo mong mukha, ang pagiging intelihente mo, ang kabuuan mo, ang kahinaan mo, ang nakaraan mo at lahat-lahat sa'yo. Gusto kong ipagsigawan kung ga'no kita Iniibig! 
Tinanggap mo ang Pag-ibig ko. Tulad ko, natanto ko na Mahal mo rin ako. Laking-tuwa ko at halos takbuhin ko ang FOOTBRIDGE na iyon kung saan tayo magkahawak-kamay habang naglalakad. Gusto kong ilahad sa bawat taong makasalubong natin noon sa isa sa pinaka-maningning na lungsod sa Maynila na tayo na. Walang pagsidlan ang kaligayahang nadama ko ng mga oras iyon. Sa katuwaan ko, nayakap na lang kita ng mahigpit... 
Nagkaroon ng buhay ang CELLPHONE kong N-GAGE tuwing i-tetext mo ako. Bagama't pudpod na ang KEYPAD, wala akong kapaguran sa pagpindot niyon mareplayan lang agad kita. At sa tuwing magtatawagan tayo, di bale nang mabasag ang EARDRUM ko marinig ko lang ang malamyos mong tinig. Muli ring nagkabuhay ang FACEBOOK ko at sa tuwing magbubukas ako ng FB, sa INBOX ako unang una pumupunta upang basahin ang MESSAGE mo at saka ako magpo-post sa WALL ko nang makabagbag-damdaming MESSAGE. Natuto akong mag-LIKE, mag-TAG, mag-POKE, mag-SHARE, mag-DELETE, mag-ACCEPT at higit sa lahat...natuto akong muling UMIBIG sa katauhan mo...! 
Maraming naging pagbabago sa buhay ko simula noong dumatal ka. Natuto akong baguhin ang pagiging PESIMISTIC ko at naging OPTIMISTIC ako. Natuto akong yakapin ang mga magagandang pananaw mo sa buhay. Natuto akong mas maging MAPAGKUMBABA, maging UNDERSTANDING at maging PATIENT. Lalo na at magkalayo tayo. Natuto din akong mag-ENGLESIRO kahit alam kong balu-baluktot ang pag-e-ENGLISH ko! 
Andami nating binuong mga pangarap. Andaming mga magagandang ADHIKAIN sa buhay na pareho nating gustong ipagpatuloy at tularan ng iba. At higit sa lahat...andami nating mga MASASAYANG alaala na pinagsaluhan kahit sa maikling panahon ng ating RELASYON bilang magkasintahan... 
Ngunit ngayon...sinabi mong mas magandang maging BEST OF FRIENDS na lang tayo kesa LOVERS. BAKIT??? Iyon ang unang gumitaw sa isip ko. Tinanong kita pero di ka agad nakapagpaliwanag sa'kin. Umiyak ako. Humagulgol. At halos mag-HURAMENTADO ako dahil sa sakit ng mga salitang binitiwan mo. Sabi mo, MATALINO ako, OPEN-MINDED akong tao at mauunawaan ko din kung bakit minabuti mong maging BEST OF FRIENDS na lang tayo. 
Pero nu'ng mga oras na iyon, naging BOBO ako, naging BINGI, at kahit gusto kong LIMIHIN ang ibig mong mangyari, walang magandang eksplinasyon ang gustong umalpas sa isip ko. Ang malinaw lang sa'kin ay ang isinisigaw ng Puso ko! Mahal kita at ibig kong mas lumalim at tumagal pa ang relasyon natin. Pero winakasan mo na. Sabi mo, PINAL na ang desisyon mo at di na magbabago pa ang isip mo!!! 
Walang katapusang PAGLUHA... 
Walang hanggang PANGUNGULILA... 
At walang-katiyakan kung muli pa ba kitang matatawag na "PANGGA"... 
O di kaya ay kung muli pa ba kitang MAHAHAGKAN at MAYAYAKAP??? 

Gusto kong muling balikan ang lugar kung saan tayo unang nagtagpo... Gusto kong muling tumuntong sa apat na sulok ng silid na iyon kung saan tayo unang nagpalipas ng magdamag...Gusto kong muling puntahan ang mga FASTFOOD na kinaenan natin noon...Gusto kong muling baybayin ang kahabaan ng BAYWALK upang sariwain ang masasayang ala-ala habang magkahawak-kamay tayo...At gusto kong muling makaapak sa NAIA kung saan huli tayong nagkasama't nagkita at muling masilayan ang EROPLANONG naghatid sa'yo pabalik ng SG!!! 

No comments:

Post a Comment