Monday, December 9, 2013

"komplikado"


.....Habang binabaybay ng sinasakyan kong bus ang daan patungong MAYNILA, ang raming mga bagay ang naglalaro sa isip ko. Takot, kaba, excitement at pananabik ang nararamdaman ko. Hindi ko batid kung ano nga ba ang kahihinatnan ng paglalakbay kong iyon. Bagaman mahalaga ang pakay ko sa pagtungo ko ng MAYNILA, hindi ko pa ring maiwasang isipin ang isang importanteng bagay na kalaunan...NANGYARI rin at sadyang di ko pa rin mapaniwalaan hanggang ng mga oras na 'to!
Pero...MASAYA ako, tuwang tuwa at nang pabalik na ako ng PANGASINAN...di pa rin mag sink in sa'kin na nangyari lahat ng iyon...
Ng di ko inasahan...
Ng di ko plinano...
at lalong di ko hinangad, pero nagkatotoo!!!

Kaya lang...nakalulungkot isipin na sa yugtong ito...masyado pa ring COMPLICATED ang sitwasyon nating dalawa
Walang katiyakan...
Walang kasiguruhan...
Walang konkretong kasagutan...
at lalong di ganu'n kasimpleng hanapan ng saktong kasagutan!

Magkagayunpaman...MASAYA ako. At kung titignan lang ang aura ko,mahihinuha ninuman na INSPIRADO ako. Hindi man pulido ang ngiting nakaukit sa mga labi ko, sa kaibuturan naman ng puso ko, sobrang SAYA ko na animo'y dinuduyan ako sa alapaap. Wala akong ibig na mangyari kundi ang maramdaman ko ang pagmamahal mo...
Na mahalaga rin ako sa'yo...
Na bahagi na rin talaga ako ng buhay mo...
Na hindi lang ito ilusyon, kundi TOTOO...
at lalong hindi isang PANAGINIP na anumang oras, puwedeng maglaho!

COMPLICATED...
ang buhay...
ang buhay-pag ibig...
at ang sarili kong LOVE STORY!
Hindi ko alam kung sa'n ako lulugar.
Sa BUHAY mo...
Sa PUSO mo...
Mahirap umasa...mahirap magkunwari...at lalong mahirap kung sa bandang huli, maririnig ko sa'yo ang mga katagang..."Orlie...Mag move on ka na!"

SHOOT!!!
AMPUTIK!!!
Di ko alam kung aatungal ako o magwawala 'pag sasabihin mo sa'kin ang gayon. Isipin ko pa lang, parang ang sakit tanggapin.
Malamang, aapaw ang luha sa'king mga mata...
Na kalaunan...sasabayan ko nang PAGTUNGGA ng alak!
Pampakalma...
Pampamanhid...
Ng dibdib...
Ng utak...
Ng sugatan kong puso...
'Susmaryusep! Wag naman sanang humantong sa ganito!

Kaya IPAGLALABAN kita. Hangga't kaya ko pa...maghihintay ako. Kasehodang mamute pa ang mga uwak sa kahihintay ko. Ang importante, hindi ako mawalan ng pag-asa. Dahil sawa na ako...
Na laging INIIWAN...
Na laging SINASAKTAN...
at lalong sawa na akong mamuhay sa PANTASYA lang!!!

Gusto ko rin ng MASAYANG lovestory...
Iyong may HAPPY ENDING!!!
At iyong sarili kong LOVESTORY na panghahawakan ko nang pangmatagalan at hindi yaong PANANDALIAN lamang....

LIBRE NAMAN ANG MANGARAP, diba?
Who knows?
Gaya nga ng kasabihan..."'Pag may tiyaga, may NILAGA!!!"


No comments:

Post a Comment