....Gamay ko na ang pagsusulat ng mga NOBELA...lalo na yung LOVE STORY! Doon ako mas NAHASA dahil na rin sa pagkahilig ko mula't sapul ng pagbabasa ng mga LOVESTORY! Tuwing kakatha ako ng panibagong kuwento ng pag-ibig...di ko maiwasang kiligin isipin mang kathang isip ko lamang ito. Pakiwari ko, totoo ang mga lumalabas na ideya sa isip ko...tipong nakakarelate ako!
Sabi ko sa sarili ko noon...hindi ko dadanasin ang MABIGO sa pag-ibig. Hindi ako iiyak at lalong di ko hahayaang ma-DEPRESS ako ng dahil sa pag-ibig. Dahil malayo ito sa personalidad ko.
Matapang....
Matatag....
Fighter...
Survivor!
Ganito ako.
Pero nang MATUTONG umibig ang puso ko...SHOOT! Nalintikan na. Naloko na. Diyata't kinaen ko rin ang mga binitiwan kong salita.
Umiyak ako...
Pinanghinaan ng loob...
Nawalan ako ng tiwala sa sarili ko....
At ang pinakamatindi, matagal na panahon din bago ako tuluyang naka-MOVE ON!!!
Normal na ang ganito 'pag nagmahal at nasaktan ang isang tao. Ang ilan sa atin, madali lang makapag-MOVE ON. Pero ang iba, taon ang inaabot para tuluyang maghilom ang mga sugat sa kanilang puso. 'Yan tuloy ang malimit kong itanong sa sarili ko. Na bagaman alam ko ang kasagutan, hindi ko pa rin matanggap at kayang unawain kung bakit.
Bakit? Bakit? Bakit?!?
Maraming tanong ang gumigitaw sa isipan natin tuwing tayo'y HEART-BROKEN. Mga katanungang lalong nagpapahirap ng kalooban natin. Na kahit alam na nating parte na ng buhay natin ang MABIGO sa PAG-IBIG, ay 'di pa rin nating maiwasang magtanong kung bakit???
" Kung bakit kahit nagmahal ka at ibinigay mo ang lahat...iiwan ka pa rin sa bandang huli...?
"Kung bakit kelangan kang ipagpalit sa iba kahit alam niyang naging TAPAT ka naman sa kanya....?
" Kung bakit kelangan pa niyang maghanap ng IBA kung kaya mo namang ibigay sa kanya ang lahat lahat...?
"Kung bakit may mga taong MANHID pagdating sa pag-ibig...?
"Kung bakit hindi ka kayang MAHALIN ng taong mahal mo...?
At kung bakit sino pa ang NAGMAMAHAL sa'yo, ay siya pang AYAW mo!!!!
Hay! PAG-IBIG nga naman!!!
OO nga't marami na akong nasulat na iba't ibang kuwento ng PAG-IBIG. Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong sapat na kakayahan upang lubos na maunawaan kung bakit ang daming CONSEQUENCES pagdating sa pag-ibig. Marahil, sadya talagang may mga NILALANG na mapaghanap ng pagmamahal at atensiyon ng iba. Kaya kahit alam nila na commited na sila, naghahanap pa rin sila ng iba.
Mga TAKSIL!!!
Mga TWO-TIMER!!!
(OUCH) Garapal ba?
Masakit man sa pandinig, pero totoo. Marami sa atin ang ganito sa panahong ito...
Mga taong hindi makontento sa ISA...
Mga taong hindi marunong maging FAITHFUL sa mga ka-PARTNER nila...
Mga taong SELFISH...
Mga taong SINUNGALING...
At bato bato sa langit ang tamaan wag magagalit....Mga taong WALANG PUSO!!!
Ang sarap dagukan ng mga ganitong klase ng TAO...mapa-LALAKI man o mapa-BABAE!!! Hindi ako nagmamalinis. Pero kahit naman sino, manggagalaiti sa mga taong HINDI SERYOSO PAGDATING SA PAG-IBIG!
Magalit na ang magagalit sa akin...
Pero nagsasabi ako ng totoo...
Ang MASAKLAP...bakit may mga taong nasisikmura na maging KABET???
Ano'ng magandang idudulot nito sa buhay mo at ng mga taong nasasagasaan mo???
Alam ko ganito ang sagot ng mga KABET: "Bakit, kasalanan ko ba'ng magmahal? Kasalanan ko ba kung yong taong mahal ko ay nakatali na sa iba?"
Hindi nga. Dahil hindi naman natuturuan ang puso. Pero mali na mahalin ang isang tao na nakatali na sa iba lalo na yong pamilyado na.
Dahil sa mata ng SIMBAHAN...
Sa mata ng TAO...
At sa mata ng DIYOS....mali ang MAKIAPID sa taong PAMILYADO na!!!
Gayunpaman...ayokong MANGHUSGA ng kapwa ko...
Ayokong DUSTAIN ang mga tulad nilang "KABET" dahil sa kabilang banda, nauunawaan ko rin sila. Kahit mali. Kahit masama. Ang pinaka-dulo sa lahat, PAG-IBIG. Yon nga lang...BAWAL NA PAG-IBIG!!!!
Mabuti na lang...hindi ako nalagay sa ganitong sitwasyon!
(Bakit, may balak ka? Try mo, try mo!LOL)
Pero sa kasalukuyan...may PINAGDADAANAN din ako na may kinalaman sa PAG-IBIG.
Sino'ng hindi?
Kahit yaong mga SINGLE...minsan, ito rin ang pinuproblema nila!
Dahil bahagi na ng buhay natin ang PAG-IBIG...
Isang emosyon na dalawa lang ang maaring kahantungan...
KALIGAYAHAN o KALUNGKUTAN!!!
Kaya mabigo man tayo sa PAG-IBIG...kelangan pa rin nating bumangon at ipagpatuloy ang buhay! Hindi rito nagtatapos ang ating paglalakbay sa mundong ating ginagalawan. Bagkus, magsisilbi itong ARAL sa atin upang magkaroon tayo ng higit na KATATAGAN at pulidong TIWALA sa ating mga sarili!!!
Sa mga INLOVE...wag tayong matakot na MABIGO.
Sa mga SECRETLY INLOVE...wag tayong mawalan ng PAG-ASA.
Sa mga ON THE ROCKS ang pagsasama sa kabiyak...wag tayong SUMUKO'T MAWALAN NG PANANALIG SA DIYOS.
At ang pinakamatindi sa lahat....sa mga HEART-BROKEN.....RELAX lang. Hindi lang sila ang TAO sa mundo. Marami pa!!!
*************************
No comments:
Post a Comment