Monday, December 9, 2013

"Manila"

"MANILA" 

That was wednesday, January 25, 2012....

Rest day ko!!!

Nag-apply ako sa MOA dahil on 5th of February, end contract na naman ako. Kaya habang maaga, naisipan ko nang maghanap uli ng panibagong trabaho!

Katirikan pa noon ng sikat ng araw nang matapos ang aking mga INTERVIEW sa magkakaibang kumpanya. Natapos ko ang interview at exam pero ang tanging tugon sa'kin ay hintayin na lang daw ang tawag nila.

Di na ako umaasa pa!

Kaya kahit mabigat sa loob ko, handa naman ako sa naging resulta dahil naniniwala ako na marami pa akong puwedeng aplayan rito sa Manila.

MANILA???

Kasabay nang pagtambay ko sa BAYWALK, roon ko higit na napagtanto na pitong buwan na rin pala akong naninirahan dito sa lungsod ng Maynila...

Sa pitong buwan na iyon, marami na rin akong samu't saring mga karanasan na tumatak sa'king isipan. Mga masasaya, malulungkot at nakakatawang karanasan na noon ko lang naranasan sa tanang buhay ko.

Nagkaroon ako ng mga katrabahong nanggaling din sa iba't ibang mga probinsiya. Mga first timer na gaya ko na ngayon lang din nakipagsapalaran dito sa Maynila. Nakapalagayang-loob ko ang karamihan sa kanila at meron ding mangilan-ngilan na 'di ko gaanong ka-close dahil may mga ATTITUDE.

Sa mga naging CLOSE FRIENDS ko, isa-isa kong napag-alaman ang mga malulungkot na kuwento ng mga buhay nila na kung puwede ko lang gawan ng nobela isa-isa ang talambuhay nila, daig pa siguro ng mga ito ang naipalabas nang kuwento sa "MAALAALA MO KAYA" ni Ate Charo. Mada-dramang mga istorya na bagama't nakalulungkot isipin, nagdulot naman ito ng mga magagandang ARAL na kahit sino ay kapupulutan ng aral at inspirasyon...

May kuwento ng PAG-IBIG, PAMILYA, PAGKAKAIBIGAN, PAGBAGSAK at PAGBANGON at marami pang iba!!!

Kung puwede ko nga lang sila gawan ng istorya isa isa, gaya ng suhestiyon ng iba, aabot na siguro sa dalawang dosena o higit pa ang kuwentong nagawa ko na puwede kong ipadala sa LIWAYWAY. Kaso, wala na rin akong time para magsulat. Hindi lang dahil sa trabaho ko. Dahil na rin sa maling kaisipan na nagsusumiksik ngayon sa utak ko na siyang sagabal para ipagpatuloy ko muli ang pagsusulat ng maikling kuwento....

BAKIT NGA BA HINDI???

Marami akong mga kabiguan at kalungkutan na pinagdaanan at pinagdadaanan pa rin ngayon. Hindi ko pa rin lubos na maunawaan kung bakit kelangan kong danasin ang mabigo at paglaruan ng iba. Gayong naging totoo ka naman sa kanila at ni minsan, 'di mo naatim na paglaruan sila.

Sadyang ganito ang umibig at magmahal!

Pero sa pontong ito, ang tangi kong hangad ay ang matagpuan ko na ang totoong PAG-IBIG na alam kong hindi lang basta magtatagal kundi isang PAG-IBIG na alam kong PANG-HABAMBUHAY. Ayoko nang pagkasyahin ang sarili ko sa isang Pantasya na alam kong likha lamang ng malikot kong imahinasyon. Ayoko nang dayain ang sarili ko at magpadala sa mga kuwentong nababasa ko at sinusulat ko. Ibig ko ring magkaroon ng sarili kong LOVE STORY na alam kong higit pa sa mga nobelang nabasa ko na at sa mga pelikulang napanood ko na.

Hindi ako DESPERADO sa larangang ito o nagmamadali...Naniniwala ako na darating ang panahon na makakadaupang-palad ko rin ang Leading Lady ng buhay ko. Kaya kahit ilang beses man akong mabigo at masaktan sa Pag-ibig, alam kong sa bandang huli, makakahanap din ako ng totoong Pag-ibig!!!

Papalubog na ang sikat ng araw pero nakatanaw pa rin ako sa dagat! Kipkip-kipkip ko pa rin ang envelop na kinalalagyan ng resume ko. Ang sadya ko nang araw na iyon ay ang mag-apply sa trabaho pero bigo ako. Hindi ko namalayan na ang layo na pala ng nararating ng imahinasyon ko. Naisip ko, hindi man ako pinagpala sa maraming bagay. Mapalad pa rin ako na nagkaroon ako ng malawak na pang-unawa at may kakayahan ako na mag-isip ng mga ideyang alam kong kapupulutan ng aral ninuman!

Doon ko muling napagtanto na gusto ko pa rin ang magsulat nang magsulat. Hindi man maging PROUD ang karamihan sa'kin, alam kong sa bawat kuwentong isusulat ko, may magandang aral na kapupulutan ninuman at inspirasyon na magpapatibay ng loob ng kahit sino!!

Tatayo na sana ako para lisanin ang BAYWALK nang biglang may pumasok sa aking isipan. Isang magandang tagpo na hanggang ngayon, laman pa rin ng aking isipan.

Napangiti ako. Ngiting alam kong bukal sa puso ko!

Those were the days na naramdaman kong may isang taong pinahalagahan ako at binigyan ng importansiya. Alam kong di ko na maibabalik ang tagpong iyon. Di na rin puwedeng ibalik ang Pag-ibig ng taong iyon sa akin. Pero thankful pa rin ako na nakilala ko SIYA!!!

"Masarap magliwaliw sa Baywalk lalo't kasama mo ang taong pinakamamahal mo. Di mo pagsasawaang pagmasdan ang dagat. At 'di mo mararamdaman ang pagod kahit buong araw mong lakarin ang lugar na iyon. Basta't kapiling mo ang taong iyong Iniiibig ng buong puso."

Natatawa ako habang naglalakad ako pabalik ng MOA. Umiral na naman kasi ang pagiging DRAMATIC ko ng mga oras na iyon. Tamang trip lang. Pero sa isang bahagi ng utak ko, muli akong nagkaroon ng ideya para sa susunod na kuwentong isusulat ko.

Oo. Hindi madali ang buhay -Maynila. Mas gugustuhin ko pa ring mamuhay sa Probinsiya. Pero di muna sa pontong ito. Masaya ako sa naging buhay ko rito kahit maraming kalungkutan at kabiguan akong natamo. Alam ko kasi na sa bawat karanasan kong iyon, may panibagong aral akong natutunan na lalong magpapatibay ng loob ko na huwag akong mawalan ng Pag-asa at huwag akong Pang-hinaan ng loob kailanman!!!

Ito ang mga natutunan ko sa pagtira ko rito sa Maynila!!!!At naniniwala akong marami pa akong pagdadaananPero sa lahat ng ito, alam kong may isang nilalang na di ako pababayaan kahit na anuman ang mangyari...

Si God!!!Siya ang totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa'kin at wala ng iba pa!!!

*************************

"MANILA"



No comments:

Post a Comment