Monday, December 9, 2013

KURAKOT ANG PILIPINAS


Ang gobyerno noon ay mas maganda kaysa sa panahon ngayon, dahil mas maraming mamamayan ang nabibigyan ng suporta galing sa gobyerno. katulad na lamang ng pagpapa utang ng gobyerno ng mga pataba sa mga pananim ng mga magsasaka at pautang na puhunan sa mga mamamayan na nais mag karoon ng maliit na negosyo, hinde man masyadong malaki at maganda ang buhay ngunit masikap at nagtutulungan ang mamamayan at gobyerno para sa ikakaunlad ng ating bansa. 
 
Ang gobyerno ngayon o sa panahon ngayon marami ng tauhan ng gobyerno ang gumagamit ng pera ng bayan para lamang sa sariling kaligayahan.                                              
Marahil nakikita na rin natin kung ano ang nais ipahiwatig ng mga taong nagproprotesta, ito'y dahil sa nais nilang mabigyan katuparan ang bawat hiling nila na mabigyan ng pantay pantay na kalayaan ang abwat isa, kalayaan na makinabang sa kung anong kayaman ang para sa bayan. Dahil marami sa mga empleyado ng gobyerno ay ginagamit ang pera o yaman ng bayan sa pagbili o paggamit sa pera ng bayan sa wala namang patutunguhan.
 
Ang bawat milyon na kinukurakot ng mga empleydao ng ating gobyerno ay isang malaking kasayangan sa mamamayan. na sanay ginamit nalang sana sa pag papagawa ng mga tulay o bahay para sa mga mahihirap at trabaho na sana'y meron ang bawat isang tao sa isang pamilya ng sa ganun hinde maghihirap ang bawat pilipino na may pamilya sa pilipinas.

ANG PAGBABAGO SA GOBYERNO.
 Ang gobyerno noon ay walang sapat ng DAM para sana sa pagbibigay suplay sa koryente ng bansa.
 Wala pang sapat na pagkuhanin ng tubig dahil nga sa walang pagkukuhanan ng tubig para sa pang araw-araw na pangangailangan sa tubig.

 Ngunit dahil sa mga proyekto ng gobyerno nagkaroon ng DAM sa iba't ibang bahagi ng ating bansa upang punan ang kakulangan ng tubig sa ating bansa at dahil din sa proyektong ito nagkaroon ng mas malaki o mas maraming suplay sa kuryente.




     Ang karamihan sa mamamayan ng ating bansa ay walang sariling tirahan o trabaho. dahil sa walang trabaho hinde kayang punan ang pang araw-araw na pangangailangan sa buhay kaya sa lansangan na lang sila naghahanap buhay sa paghinge ng konting barya sa mga tao, paghinge ng pag kain sa mga tao.



Karamihan pa sa bawat mamayan sa ating bansa ay napipilitang gumawa ng krimen dahil sa kakulangan ng suplay para sa pang araw araw na pantawid buhay.
 Mga bata na sana'y nag aaral ngunit nagtratrabaho na dahil sa kakulangan ng trabaho ng kanilang magulang, walang sapat na pera pantustos sa pag aaral ng anak dahil sa kaulangan ng proyekto ng gobyerno para sa mga mamayan na nais magkaroon ng sarili at magandang trabaho.


Dapat maging maingat ang bawat mamamayan ng ating bansa sa taong nais nilang maging pinuno o maghawak ng pamamalakad sa ating bansa.



No comments:

Post a Comment